Isang netizen ang napa-post sa social media matapos mabigla sa presyo ng kanyang almusal sa isang karinderya sa Manila.
Umorder siya ng isang serving ng kanin, dalawang pritong itlog, at tortang talong para i-take out. Umabot naman sa ₱135 ang kanyang binayaran.
Dahil sa pagtataka, bumalik siya sa karinderya at nalaman na ₱15 ang isang kanin, ₱35 ang dalawang itlog, at ₱85 ang tortang talong.
Mabilis namang nag-viral ang post dahil sa sobrang mahal ng torta na “walang special effects,” ayon sa netizen.
Marami ang natawa at nagbiro:
“Golden egg ba ‘yung itlog kaya mahal?”
“Sampu-kinse lang isang talong pero ₱85 torta? Tubong lugaw na ‘to!”
“85 tortang talong kala ko may joke sad ulo hahaha ang mura ng talong at itlog hahaha.”
0 Comments