Nilinaw ni Gerald Anderson na walang katotohanan ang tsismis na ang volleyball player na si Vanie Gandler ang dahilan ng hiwalayan nila ni Julia Barretto.
Ayon kay showbiz insider Ogie Diaz, personal na tumawag si Gerald upang ipaliwanag na hindi niya kilala si Gandler at hindi sila nagkausap kahit sa text.
Inamin ni Gerald na may ibang dahilan ang kanilang paghihiwalay at inako niya ang sisi. Nakiusap din siya na tigilan na ang pagli-link sa kanya sa ibang tao.
Matatandaang kinumpirma ng Star Magic ang breakup nina Gerald at Julia noong Setyembre 18, 2025.
0 Comments