Kinondena ng
Malacañang ang nangyaring karahasan sa “anti-corruption rally” nitong Linggo,
Setyembre 21, sa Maynila kung saan tinawag na “criminals” ang mga nang-hijack
sa dapat sanang mapayapang pagtitipon.
Kung kaya’t inatasan
ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si DILG Secretary Jonvic Remulla na sugpuin
ang marahas na aksyon ng mga raliyista at ipahuli ang mga nanggulo sa labas ng
Malacañang complex.
Ayon kay
Palace Press Officer Claire Castro sa isang panayam, ang mga nasa likod ng gulo
ay “not protesters, but outlaws.”
Sa kabila ng
pagpapatupad ng mahigpit na maximum tolerance ng pulisya, nauwi pa rin sa
kaguluhan ang aktibidad.
Nakita din sa
lugar ang mga nakamaskarang indibidwal na nakaitim, na nagtulak at nanuntok sa
mga pulis, bago maghagis ng bato at magsunog ng gulong sa Ayala Bridge.
Dahil dito,
nasugatan ang isang mamamahayag at si Renato Reyes Jr., pangulo ng Bagong
Alyansang Makabayan (Bayan). Umabot din sa 30 pulis ang nagtamo ng sugat.
Lumabas sa ulat na may mga menor de edad na kasama sa marahas na grupo ngunit
hindi sila kaanib ng Bayan.
0 Comments