Dumepensa ang
DPWH office sa Oriental Mindoro kaugnay ng pagbili ng limang laptops na nagkakahalaga ng P930,000.
Lumabas ang pahayag matapos silang umani ng kaliwa’t kanang batikos dahil sa umano’y overpricing.
Ayon sa Southern
Mindoro District Engineering Office (SMDEO), ang naturang pagbili ng mga
laptops ay alinsunod sa Republic Act No. 9184 o ang Government
Procurement Reform Act.
Paliwanag pa ng SMDEO, nakalaan ang tatlong laptop para sa specialist engineering software tulad ng AutoCAD at Civil 3D, habang ang dalawang natitirang laptop ay para sa general office use.
Dagdag pa
ng ahensya, mataas ang mga presyo ng mga ito dahil parehong may high
performance hardware at licensed software ang mga nabili.
Nabatid na nabili ang mga laptop noong 2024 at kasalukuyang ginagamit ng Planning and Design
Section para sa paghahanda ng infrastructure plans at designs.
0 Comments