Pansamantalang
tumigil sa pagtatrabaho ang komedyanteng si Ate Gay dahil sa mabigat na hamon
na kinakaharap niya sa kaniyang kalusugan.
Ayon sa ulat,
na-diagnosed ang komedyante na may stage 4 cancer. Ang inakalang beke lang
noon, sintomas na pala ng malubhang sakit.
Ibinahagi ni
Ate Gay sa isang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang pinagdaanan niyang
serye ng medical tests, kabilang ang ultrasound at CT scan na nauwi sa biopsy.
Kinailangan
pa niyang kumuha ng second opinion matapos lumabas ang hindi magandang ng
kaniyang mga tests.
“May show ako
sa Canada, medyo lumalaki na siya. At saka nagbi-bleed nang nagbi-bleed,” sinabi
ni Ate Gay. “Mahirap ngayon ang lagay ko. May kanser ako, stage 4 daw.”
Bagama’t
umaasa si Ate Gay, sinabi raw ng mga doktor na hindi na siya maaaring maoperahan
at tinaya pang hindi siya lalampas ng 2026.
“Wala raw
lunas. Masakit sa akin. Halos araw-araw umiiyak ako. Hindi naman ako nagkulang
kay Lord. Although lagi kong sinasabi na walang himala,” ani ni Ate Gay.
Sa kabila
nito, patuloy pa ring nananalangin si Ate Gay para magkaroon ng lakas na loob at
pag-asa na malampasan ang kaniyang pinagdaraanan.
0 Comments