Nasita ang
isang van matapos umano itong gumamit ng sirena o “wang-wang” sa Cavite.
Umani ito ng
batikos mula sa netizens na kumondena sa umano’y pag-aabuso ng “VIP” road
privileges.
Ayon sa
TikTok account na Road Audit PH, ipinakita sa video ang isang Toyota Hiace
Grandia na sinita ng isang galit na driver.
“Illegal
wang-wang. VIP daw sakay. Toyota Hiace Grandia,” mababasa sa caption ng video.
Hinihikayat din ng uploader ang mga viewer na tulungan silang makilala ang
pasaherong bumaba mula sa van.
“Wang-wang
pa, sige!” maririnig ang isang lalaki na sinisita ang van driver.
“Bakit ka
nagwa-wang-wang, kuya? Pulis ka ba? Pulis ka?! Pulis ka nga?!” dagdag pa nito
habang kinukompronta ang driver.
Maririnig din
sa video ang babaeng kasama ng nagrereklamong driver na nagsasabing, “Bawal
kasi ’yan eh.”
Maririnig
naman na sinasabi ng van driver na nagmamadali siya. Nang tanungin kung pulis
siya, sagot ng driver ay may “VIP” umano siyang sakay.
“VIP?
Pakialam ko!” mariing sagot ng galit na driver.
Sa puntong
iyon, bumaba ang isang babaeng pasahero mula sa van at kinuha ang kanyang
cellphone, tila kinukunan ng litrato ang sasakyan ng nagrereklamong driver.
“Pulis kayo?
Ba’t may wang-wang kayo? Ha?!” muling sigaw ng galit na driver.
Kung
matatandaan, ipinagbawal na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal
ng gobyerno at mga personnel sa paggamit ng “wang-wang”, blinkers o anumang
kaparehong signal o flashing devices.
Hindi naman
kasama rito ang mga sasakyang ino-operate ng Armed Forces of the Philippines
(AFP), ang National Bureau of Investigation, ang Philippine National Police,
fire trucks, hospital ambulances at iba pang emergency vehicles.
Nabatid na
nauna nang ipinahayag ng pangulo kaugnay rito na ang paggamit ng “wang-wang” at
mga kaparehong devices ay nakakagambala sa kalsada na nagiging dahilan ng
trapiko kung kaya’t nagdesisyon siyang ipagbawal ito.
0 Comments