VIRAL VIDEO AT ULAT TUNGKOL SA PAG-ATAKE NG ORCA KAY JESSICA RADCLIFFE, "FAKE NEWS" LAMANG AT GAWA NG AI

 


Kinumpirma ng ilang international news agency na “fake news” ang mga kumakalat na balitang pagkamatay umano ng isang marine trainer na si Jessica Radcliffe matapos itong atakehin ng isang orca.

Ito’y matapos maraming mga video clip ang nag-viral kung saan makikita umano dito ang pag-atake ng orca kay Jessica Radcliffe sa gitna ng isang live performance.

Ngunit, lumalabas sa imbestigasyon na hindi talaga ito nangyari maging ang indibidwal na si Jessica Radcliffe ay walang opisyal na records.

Sa halip, tanging dalawang mga insidente ng pag-atake ng Orca ang nai-record na kinabibilangan ng nangyari kay Alexis Martínez, isang Spanish trainer sa Loro Parque, noong December 24, 2009 na inatake ng orca Keto.

Habang, noong February 24, 2010, namatay din sa pag-atake ng orca Tilikum si Dawn Brancheau, isang senior trainer, sa kasagsagan ng SeaWorld show sa Orlando.

Dahil dito, sinabi ng mga eksperto na ang naturang mga video clips na kumakalat sa social media ay walang katotohanan at nilikha lamang sa pamamagitan ng isang AI-generated fabrication.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog