Sinibak sa
trabaho ang isang guro sa Japan matapos itong mahuling nagtatrabaho sa isang
convenience store.
Ayon sa
report, isang lalaking guro na 60-anyos ay nagtuturo sa isang middle school sa
Okayama Perfecture sa Japan. Siya ay ini-report sa Okayama City Board of
Education matapos mamataang nagtatrabaho sa isang convenience store sa Kurashiki.
Kinumpirma
naman ito mismo ng punong-guro ng paaralang kaniyang tinuturuan.
Nilinaw naman
ng report na hindi naman ipinagliban ng guro ang kaniyang klase upang magtrabaho
sa naturang store. Kundi, ginagawa lamang ito ng guro sa oras ng kaniyang day
off.
Gayunpaman,
ang naturang akto ng guro ay isang paglabag sa employment contracts sa Japan
kung saan ipinagbabawal ang mga side jobs sa kadahilanang nais ng mga employer
na ibuhos ng mga empleyado ang kanilang atensyon sa iisang trabaho.
Inamin naman
ng guro na mayroon itong side job na nagsimula pa noong 2023 sa pagnanais na
madagdagan ang kita nito.
Dahil dito, maraming
netizens ang kinwestyon sa patakaran ng pagbabawal sa side job, lalo na kapag
ito ay isang marangal na trabaho at ginagawa sa labas ng mga oras ng
pangunahing trabaho.
0 Comments