ASO NA NAKALAGAY SA LOOB NG GROCERY CARTS, BINATIKOS ONLINE

 


Nahaharap sa kaliwa’t kanang batikos ang mga pet owner na nilalagay ang kanilang alagang hayop sa loob ng grocery carts.

Ito’y matapos mag-viral ang larawan ng mga aso na nasa loob ng magkahiwalay na grocery carts sa isang mall.

Ayon sa post, nagulat ang uploader na hindi man lang sinita ng mall o ng store staff ang pagpasok ng aso sa supermarket na prenteng nakapwesto sa loob ng grocery carts.

“The grocery cart is for food, not pets,” mababasa sa caption. “Allowing animals in them can compromise hygiene and food safety, especially for fresh produce.”

Dagdag pa rito, kapag nagpatuloy ang ganitong insidente ay oras na aniya para magpatupad ng mahigpit na pagbabawal sa mga alaga.

Sinang-ayunan naman ito ng mga netizens at sinabing isang “unhygienic” ang nasabing pangyayari dahil sa posibilidad na magiging panganib ito sa ibang mamimili na gagamit ng kaparehong carts.

“There are places where it’s just not appropriate to bring a dog, especially when food is involved,” komento ng isang user.

May ilan ding nagsabi na tila naabuso na sa Pilipinas ang “pet-friendly” trend dahil sa pagsasawalang-bahala ng ilang mga owner sa basic rules sa sanitation at public courtesy.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog