SERBISYONG CHATGPT THESIS NG ISANG PINOY CONTENT CREATOR, PINUTAKTE NG MGA NETIZENS

 


Umani ng batikos ang isang post ng isang content creator na nag-aalok ng serbisyong gagawin nito ang thesis ng mga estudyante sa tulong ng artificial intelligence (AI) tools.

Sa isang post, viral ang video ng isang content creator na kilala bilang “Your Thesis Bestie” na nagpo-promote ng serbisyo sa mga magpapagawa ng thesis sa halagang P5,000.

Pinutakte naman ito ng mga netizens lalo na’t gumagamit pala ito ng isang AI na ChatGPT prompts.

“[P5,000] papagawa ng thesis??? Ta’s ChatGPT prompts gamit? Bawal pa revisions?” komento ng isang user.

Ang ChatGPT ay isang AI program na binuo ng OpenAI na siyang tutugon sa mga katanungan ng mga user sa pamamagitan ng pagproseso at pagsuri ng mga datos sa isang machine learning.

Isa pang video ang ibinahagi ng naturang content creator na nagpahayag na nagtapos ito na cum laude, ngunit napuna naman ng isang user ang grammatical mistrake sa introduction nito.

Hinamon pa siya ng ilang netizen kung kaya nitong gumawa ng research nang hindi umaasa sa AI.

Ngunit, ini-refer na lang ito ng content creator sa “Chapter 1-5 builder” playlist sa kaniyang TikTok account.

“Makikita mo doon how I use AI tools,” anito.

Sinabi pa ng content creator ang kondisyon nito sa mga magpapatulong na estudyante na dapat papayagan ng eskwelahan ang paggamit nito ng AI sa kanilang research.

“If hindi naman, dapat willing ka mag-word na gawa ko, kasi ‘di naman porket gumamit ako ng AI, mali na ‘yung ginawa ko eh,” saad nito.

Narito naman ang pagsasalungat ng ilang netizens sa serbisyong ginagawa ng naturang content creator.

“Jusko, bagsak agad sa TURNITIN and Ethics Review,” saad ng isang user. Turnitin is a plagiarism checking tool that checks a student’s work for originality.

“The academic integrity left the group,” komento ng isa pa.

“Mahihinang nilalang lang gagamit ng ChatGPT for thesis, nung kami sariling research at docu, at utak gamit, mas madali siya i-defend kapag ikaw talaga mismo gumawa, ‘yun nga lang puyat kalaban mo, haha,” sabi ng isang netizen.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog