32-ANYOS NA LALAKING BRITISH, HALOS MAGDADALAWANG TAON NANG WALANG TULOG

 


Nababahala na ang isang lalaking British matapos na hindi pa rin ito nakakatulog ng halos dalawang taon.

Kinilala ang lalaki na si Oliver Alvis, 32-anyos at isang train driver.

Sa report, nagsimula ang kalbaryo ni Alvis noong Disyembre 2023 kung saan tila na-trapped ito sa waking nightmare.

Sa loob ng 21 buwan ay ginugol ni Alvis ang kaniyang buhay sa isang “slow, waking death”.

Naging desperado na din ito sa paghahanap ng solusyon sa kaniyang problema. Kung saan, ibinenta nito ang kaniyang mga ari-arian upang maghanap ng makakagamot sa sakit nito.

Sumailalim si Alvis sa iba’t ibang uri ng gamutan kabilang na ang cognitive behavioral therapy, hypnotherapy, sound baths, acupuncture, at meditation retreats ngunit nananatili pa ding misteryo ang sakit nito.

Gayundin, sinubukan din nitong gumamit ng pinakamatapang na anesthetics pero maging ito ay wala ring epekto sa kaniya.

“I’ve spent the last 21 months in a nightmare, struggling to survive in a body that seems to be on fire, burning from the inside,” paglalarawan ni Alvis.

“I feel like my eyes are melting. I can’t walk in a straight line. My eyesight is impaired. I can’t digest food properly. I can no longer relate to anyone. Nothing gives me pleasure or fun; not watching a movie, not eating, not reading a book,” dagdag pa nito.

“And day and night, I stay awake, not even sleepy, trapped in a mind that cannot rest, recover or reset,” aniya pa.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog