JANNO GIBBS, INAMIN ANG PAULIT-ULIT NA PAGTATAKSIL; BING LOYZAGA, NAGPATAWAD

 


Nag-public apology ang comedian at TV host na si Janno Gibbs sa ilang beses nitong panloloko sa asawang si Bing Loyzaga.

Sa ikalawang episode ng kanilang YouTube vlog, isinapubliko ng nina Bing at Janno ang mga napagdaanang hamon bilang mag-asawa.

Bagama’t dati nang humingi ng tawad si Janno sa asawa nito ay pinili pa din ng komedyante na mag-public apology para sa accountability at closure.

Ibinunyag ng aktor ang ilang beses nitong pangangaliwa sa asawa dahilan na nagdesisyon silang dalawa na pansamantalang maghiwalay.

Sa kabila naman ng mga nangyari ay tinanggap pa din ni Bing si Janno sa pag-asang mapanatili ang maayos na pamilya lalo na para sa mga bata.

Nilinaw pa ng mag-asawa na ang kanilang diskusyon ay hindi para gawing normal ang pangangaliwa o gawin itong katatawanan.

“Kinukuwento namin ‘to not to make light of things, hindi para paliitin ang epekto, para pagtawanan, and most of all, hindi para i-glorify ‘yung pambababae. And of course, I have apologized to you one million times, and it will never be enough. But I think hindi pa naririnig ng public. I’d like the public to hear that I am sorry for all the hurt I have inflicted on you. I mean, you’ve heard it from me personally, but in front of them,” pahayag ni Janno.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog