Kasalukuyan
nang nagpapagaling ang isang pusa sa Bukidnon matapos ang halos dalawang
linggong pagtitiis sa nakabaong holen sa mukha nito.
Sa report,
tinamaan umano ng isang marble toy gun ang 3-anyos na pusa sa Brgy. Sinuda,
Kitaotao noong Hulyo 28.
Inakala ng
may-ari ng pusa na ito’y minor injury lamang ngunit ikinabahala nito nang
madalas na itong mabahing, nahihirapan huminga, at nagpapakita ng mga senyales ng
panghihina.
Nang mapansin
ang butas sa sugat ng pusa ay dito din nakita na may nakabaon palang holen kaya
agad itong isinugod sa Veterinary Hospital.
Sa pagsusuri
ng beterinaryo, nakumpirma nito na mayroong nakabaong bilog na bagay malapit sa
ilong ng pusa. Dagdag pa rito, may nakaambang panganib sa utak, ilong at mata
ng pusa kung sakaling kunin ang naturang bagay.
Nadiskubre din
ng beterinaryo ang isang skull fracture sa pusa.
Ngunit, sa kabila
nito ay matagumpay itong nakuha ng doktor at ngayon ay nagpapagaling na mula sa
post-surgery ang pusa, bagaman humihinga pa rin sa pamamagitan ng bibig nito.
Samantala,
nakilala na ng may-ari ang mga indibidwal na may-ari ng marble at plano nitong
magsampa ng cruel charges laban sa kanila.
0 Comments