Nahaharap sa
posibleng kasong administratibo ang isang pulis sa probinsya ng Bohol matapos
nitong bantaan at sinaktan ang isang foreigner nitong Lunes.
Nakilala ang
pulis na si Police Corporal Marcelo Olaer, o mas kilala bilang “Siloy at
nadiskubreng nakainom nang ito’y manakit ng dayuhan.
Sa isang post
ng American national na si Kenny Foster, sinabi nito na habang siya ay nasa
labas ng tindahan ay inutusan siya ng naturang pulis na mag-pull over.
Nang gagawin na
nito ang utos ay bigla nalang umano siyang tinulak ng pulis at agad na bumunot
ng baril.
Nagsimula na
din umano itong magsisigaw at maging ang mga nakasaksi sa pangyayari ay
nakaramdam ng takot sa posibilidad na ito ay mauwi sa pamamaril.
Kaugnay nito,
hindi pa nakuntento ang pulis ay pinagsisipa nito ang motorsiklo ni Foster at
nagbanta pang sasaktan ang asawa habang buhat-buhat ang kanilang 5-buwang taong
gulang na anak.
Sinubukang
protektahan ni Foster ang asawa ngunit bigla nalang umano siyang sinuntok ng
pulis sa tagiliran dahilan na nagtamo ito ng sugat sa kaniyang tadyang.
Tumawag na sa
911 si Foster at naghain ng pormal na reklamo laban kay Police Corporal Marcelo
Olaer.
Napag-alaman
na hindi ito ang unang beses na may nagreklamo sa naturang pulis kung saan
nakasuhan ito dahil sa pagpapaputok ng baril habang nakainom.
0 Comments