P500 NA BAWAS SA BILL NG KURYENTE SA ANTIQUE, UMARANGKADA NA; ILANG MGA NETIZENS, NATUWA

 


Mapapa-sana all ka na lang sa laki ng binawas sa bill sa kuryente sa ilalim ng Provincial Electric Power Subsidy (PEPS) sa probinsya ng Antique.

Sa isang post, ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang kabuuang electric bills kung saan mula sa orihinal na mahigit isang libo ay nasa kalahati na lang babayaran nito.

Ito’y matapos umarangkada na sa probinsya ang Provincial Electric Power Subsidy (PEPS) ng provincial government ng Antique kung saan babawasan ng P500 ang bill ng mga konsumidor para sa buwan ng Agosto.

“GOOD NEWS MGA ANGKOL: The provincial electric power subsidy (PEPS) is real. Thank you Papa P.  Good things could be done,” saad ng isang netizen.

Kaugnay nito, may ilan ding mga konsumidor ang wala nang babayaran dahil sa naturang ayuda.

“Zero balance. Wara ako ti baraydan,” komento ng isang netizen

Sa kabila nito, may ilan pa ding member-consumer ang nagpahayag ng pagkadismaya dahil tila wala namang nabawas sa kanilang bill kahit na mayroon silang residential account sa ANTECO.

Benepisyaryo ng Electric Power Subsidy Program ay ang lahat na 169,786 rehistradong residential electricity consumers sa Antique na binubuo ng 154,471 sa ilalim ng ANTECO at 15,315 sa ilalim ng AKELCO.

Samantala, layunin ng naturang programa na matulungan ang libo-libong mga pamilya na ituon ang kanilang pera sa iba pang mahahalagang pangangailangan tulad ng pagkain, healthcare, at edukasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog