LALAKI, PINATAY ANG MAG-IINA SA INDONESIA DAHIL SA ANIME NA “ONE PIECE”



Arestado ang isang lalaki sa Indonesia matapos nitong pinatay ang kaniyang asawa at dalawang mga anak.

Ang itinuturong dahilan, ang sikat na anime series na “One Piece”.

Sa report ng India Times, ang suspek na si Julius ay inaresto ng local police sa Berau Regency, East Kalimantan, Indonesia matapos nitong patayin ang pamilya gamit ang machete.

Nang kapanayamin ang suspek, isinisisi nito ang ginawang krimen sa “One Piece” dahil sa paghatol nito sa kaniya na hindi naabot ang “living requirements ng One Piece”.

Ngunit, ayon naman sa pulisya, nilinaw nitong resulta ng domestic violence ang nangyari at hindi mula sa impluwensya ng media.

Wala din aniyang senyales ng pangangaliwa kaya naman, nakikipag-ugnayan na mga imbestigador sa psychiatric specialists upang masuri ang mental condition ng suspek.

Sumailalim naman ang suspek sa pormal na psychological evaluation sa isang ospital sa lugar.

Samantala, bagama’t wala pang kumpirmasyon ay iniulat na buntis umano ang asawa ng suspek nang mangyari ang insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog