Pumanaw na
ang isang recruit ng UP Fighting Maroons na si Israel Friday sa edad na
19-anyos.
Ayon sa
report, biglang natumba ang basketball player na Nigerian sa gitna ng kanilang
pagsasanay.
Isinugod pa
sa ospital ang basketbolista ngunit idineklara din itong dead on arrival.
Hindi pa
malinaw kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.
Samantala,
tiniyak ng UP Office of Athletics and Sports Development (OASD) na handa silang
magbigay ng tulong sa naiwang pamilya ng naturang manlalaro.
0 Comments