Isang
kakaibang application ang naimbento ng isang estudyante mula sa Cavite State
University.
Ang “Maglalaba
Ba?” na application ay isang weather-based laundry app na ginawa para sa mga
Pinoy.
Nilikha ang naturang web-application upang tugunan ang karaniwang problema ng karamihang Pilipino – ang paglalaba.
Magmula noon, karaniwang suliranin na kinakaharap ng mga Pilipino ang araw ng paglalaba dahil kung minsan ay hindi sumasang-ayon ang panahon para dito.
Kaya naman,
naisipan ng estudyanteng si John Daeniele Satsatin, isang 4th-year
BS Computer Science student, na gawin ang nasabing app.
Sa naturang app, gumagamit ito ng casual, conversational Tagalog sa halip na mga technical terms para mas madaling maintindihan lalo na sa mga users na senior citizen.
Naging inspirasyon ni Satsatin na gawin ang “Maglalaba Ba?” app mula sa sariling karanasan kasama ang kaniyang lola. Kung saan, tuwing maglalaba ito ay siya namang magsisimulang uulan.
Napag-alaman
na ang nasabing app ay binuo gamit ang Next.js, kasama ang Shadcn UI at
Tailwind CSS para sa styling. Gumagamit din ito ng real-time weather data mula
sa Open-Meteo, habang ang city lookup ay pinapagana ng OpenWeatherMap.
0 Comments