18-ANYOS NA ESTUDYANTE, SUGATAN SA INSIDENTE NG PAMAMARIL SA ABRA

 


Sugatan ang 18-anyos na estudyante matapos itong aksidenteng mabaril sa labas ng unibersidad sa Lagangilang, Abra.

Nangyari ang insidente ng pamamaril nitong Biyernes kung saan pawang mga estudyante din ang pasimuno.

Ayon sa pulisya, na-trigger ang mga suspek na 24-anyos at 17-anyos nang muli nilang nakasalubong sa labas ng compound ng eskwelahan ang grupo na dati nilang nakaalitan.

Sinasabing lasing pa umano ang mga ito nang mangyari ang pamamaril.

Tatlong beses na nagpaputok ang mga suspek sa kanilang nakaalitan habang sakay ng motorsiklo at sa pangatlong putok ay tinamaan na ang biktimang dumaan lamang sa lugar.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima habang nakatakas naman ang mga suspek.

Nitong Lunes, isinuko ng kamag-anak ang isa sa mga suspek at itinurn-over naman siya sa MSWD.

Habang, patuloy pang pinaghahanap ang isa pang suspek.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog