""KPOP DEMON HUNTERS", UMAKYAT SA BILLBOARD AT NETFLIX

 


HUNTRIX ON TOP

Nangunguna ngayon sa online streaming platform na Netflix ang animated film na “KPop Demon Hunters” matapos umani ng mahigit 236 milyong views mula nang ipalabas ito noong Hunyo.

Bukod sa rekord sa streaming, gumawa rin ito ng kasaysayan sa Billboard Hot 100 matapos ang ilang soundtrack ng pelikula ang sabay-sabay na mapasama sa Top 10, isang bagay na kauna-unahan para sa isang soundtrack album.

Nauna nang kinilala ang “KPop Demon Hunters” bilang most-watched original animated film ng Netflix.

Ang “KPop Demon Hunters” ay isang animated film na prinoduce ng Sony Pictures Animation.

Agad namang tumatak hindi lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga adults ang naturang pelikula, dahilan upang maging global hit.

Maraming fans din ang gumawa ng iba’t ibang renditions at cover ng mga soundtrack nito na lalo pang nagpaigting ng kasikatan ng pelikula.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog