Inaprubahan
ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang dagdag na allowances para sa mga PNP
personnel.
Ayon sa
inisyung Memorandum Circular 2025-004 ng NAPOLCOM, nakasaad dito ang ilang mga
adjustments sa mga allowances ng mga tauhan ng PNP na nakatalaga sa mga
delikadong operasyon o misyon.
Kung saan,
makakatanggap ng special combat duty pay na P3,000 kada buwan ang mga personnel
na kabilang sa mga aktwal na police operations. Maging ang combat incentive pay
na P300 kada araw ay ibibigay sa mga PNP personnel na kasama sa aktwal na combat
operations laban sa mga terorista, naghihimagsik, at ilan pang kumakalaban sa
gobyerno.
Kaugnay nito,
50% ng kanilang base salary ang tatanggapin ng mga pulis na na-assign sa mga
buwis-buhay na misyon bilang kanilang hazardous pay.
Habang,
karagdagang 15% naman sa ilang mg ana-exposed sa radioactive elements.
Para sa
specialized operations, sea duty pay na 25% at flying pay na 50% ng kanilang
base pay ang matatanggap ng mga tauhan na kabilang sa mga maritime at air
missions.
Hardship
allowances na 10% hanggang 25% ng kanilang base pay ang ibibigay sa mga personnel
na naka-assign sa mga liblib na lugar.
Samantala,
ang naturang dagdag na allowances ay matatanggap lamang ng mga tauhan ng PNP
kapag mayroon nang available na pondo na sertipikado ng DBM.
0 Comments