Nagdulot ng
takot sa mga residente ang pag-amok ng isang binatilyo sa isang Sports Complex
sa Narra, Palawan.
Sa video,
makikita ang isang bintailyo na may dala-dalang malaking kutsilyo at tila
hinahabol ang mga estudyante at ilang indibidwal na nagpa-practice sa lugar.
Bagama’t wala
namang nasaktan sa naturang pag-atake ng lalaki, nagdulot naman ito ng trauma
at takot sa mga estudyante at mga pamilyang nandoon sa pasilidad.
Ayon sa mga
nakasaksi, nauna na nilang nakita ang naturang lalaki na nagiging agresibo kung
saan bigla nitong hinahampas ang mga bagay gamit ang mga bamboo sticks.
Ikinabahala
naman ito ng mga residente dahilan na nanawagan sila ng agarang aksyon sa lokal
na awtoridad.
Samantala, marami
ang naniniwala na tila isang wake-up call ang nasabing insidente para mas lalo
pang higpitan ang seguridad sa mga pampublikong lugar.
0 Comments