MENOR DE EDAD, NAHULIHAN NG ILEGAL NA DROGA AT ISANG PATALIM

 


Nasamsam sa isang 16-anyos na estudyante ang mahigit P200k na halaga ng hinihinalang shabu at patalim sa loob ng eskwelahan sa Parañaque City nitong Martes.

Ayon sa report, nagsumbong sa mga awtoridad ang punong-guro ng naturang eskwelahan sa Parañaque at tumambad sa kanila ang hawak na ilegal na droga at patalim ng isang menor de edad.

Hindi pa matukoy ng mga pulisya kung saan nagmula ang mga nakumpiskang droga mula sa 16-anyos na estudyante.

Samantala, dinala naman sa Bahay Pag-asa ang menor de edad at nakatakadang isasailalim sa intervention kasama ang mga tauhan mula sa Department of Social Welfare and Development.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog