Pumalag ang production team ng mga programa ni Korina Sanchez-Roxas sa mga pasaring ni Pasig City Mayor Vico Sotto na binayaran sila ng nakalabang pulitiko.
Sa inilabas na pahayag ng production team ni Sanchez, sinabi nitong ang mga programang kanilang ipinapalabas ay mayroong mahigpit na standards sa storytelling at production.
Ipinaliwanag din nila na ang naturang segment na kinukwestyon ng alkalde ay nakatuon sa “life stories” at hindi investigative reports.
“In the case of the Sara and Curlee Discaya interview, their rags-to-riches story is their story,” the statement said, adding that Sanchez herself only learned on the day of taping that the couple was politically active. The shows further clarified that payments made by subjects were for advertising placements handled by the network, with official receipts, and dismissed as “irresponsible” the claim of a P10-million payout.
“As your malice is posted on Facebook and publicly besmirches the reputation of Ms. Sanchez, this clearly constitutes cyber libel,” saad sa pahayag.
Kinuwestyon din ng grupo ang naging konklusyon ni Sotto na, “Only someone of inferior intellect and juvenile reasoning if not someone utterly deluded and un-Christian would publicly make such conclusions.”
Kung matatandaan, unang nag-post ng kaniyang buwelta laban sa mga programa ni Korina Sanchez-Roxas si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Kung saan, kinwestyon nito ang mga journalists kung bakit nila aniya tinanggap ang kapayanamin ang isang contractor na pumapasok sa politika.
“Bago tanggapin ng mga kilalang journalists ang alok para mag-interview ng Contractor na Pumapasok sa Politika, hindi ba nila naisip na, “Uy teka, ba’t kaya handa ’to magbigay ng 10 million* para lang magpa-interview sa akin??” saad ng alkalde.
“In this case, maybe they didn’t do anything technically “illegal,” but at the very least it should be considered shameful and violative of the spirit of their code of ethics. Puwede silang magtago sa grey areas: “hindi naman journalism ito… more of lifestyle lang… kailangan kasi ng sponsor…” pero ’wag na tayong maglokohan. They rose to national prominence as broadcast journalists/news personalities; puhunan [dapat] nila ang kanilang reputasyon at kredibilidad... at sa ganitong kalakaran, ito rin ang reputasyon at kredibilidad na pinahihiram nila sa mga corrupt kapalit ng pera,” dagdag pa ng alkalde.
Samantala, si Sarah Discaya ang nakalaban ni Vico Sotto sa pagka-alkalde sa nagdaang 2025 midterm elections.
0 Comments