MATATAAS NA KALIBRE NG BARIL, NAREKOBER SA TAPAZ, CAPIZ



Limang matataas na kalibre ng armas ang narekober ng militar sa nangyaring sunod-sunod na engkwentro sa mga rebeldeng grupo sa Tapaz, Capiz.

Kabilang sa mga nakuhang armas ay ang dalawang M14 assault rifles, isang M16 assault rifle (5.56mm), isang AK-47 assault rifle, at isang Garand rifle.
Nakuha rin ang ilang mga kagamitan na pinaniniwalaang paymama-ari ng mga kasapi ng Central Front (CF) at Regional Sentro de Grabidad (RSDG) ng Komiteng Rehiyon–Panay (KR-Panay).
Nabatid na noong Biyernes ay nagbakbakan ang puwersa ng militar at rebeldeng grupo ng tatlong beses sa magkakaibang lugar sa nasabing bayan.
Sa kabila nito patuloy na hinihikayat ni MGen. Michael G. Samson, Commander ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army na bukas ang integration Program (E-CLIP) at Amnesty Program para sa mga rebeldeng nais bumalik sa hanay ng gobyerno para sa kapayapaan.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog