Ayon sa report ng K5 News FM Antique, sakay ng nasabing van ang nasa 11 na mga estudyante na galing sa Culasi at bumabyahe papuntang Sibalom.
Sinasabing mabilis ang takbo ng van dahilan na lumampas ito sa kalsada at pumasok sa isang garahe ng jeep sa Brgy. Cadajug, ng naturang bayan.
Dahil sa lakas ng impact, lumampas pa sa bubong ng van ang driver.
Nagulat naman ang may-ari ng bahay na natutulog noong mga oras na nangyari ang insidente.
Samantala, agad namang dinala sa ospital ang walong estudyante na sugatan kabilang na ang driver.
0 Comments