Patay ang
nasa 12 katao habang nananatiling nawawala ang apat na katao matapos bumagsak
ang under-construction na railway bridge sa China.
Ayon sa
report, kabuuang 16 na mga trabahador ang nakatalagang magtrabaho sa naturang
tulay sa probinsya ng Qinghai, China nang biglang naputol ang steel cable.
Tinatayang na
may habang 1.6-kilometro ang nasabing tulay at ang deck nito ay 55 meters ang taas
mula sa surface ng ilog.
Samantala,
patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyari.
0 Comments