DEPED, INISYU ANG REVISED ANTI-BULLYING ACT OF 2023

 


Pormal nang nilagdaan ni DepEd Secretary Sonny Angara ang “Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act No. 10627 (Anti-Bullying Act of 2013) nitong Lunes, Agosto 4.

Ang binagong IRR ay naglalayong makabuo ng mas ligtas na learning environments para sa mga mag-aaral alinsunod sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang 2025 State of the Nations Address (SONA).

Ayon kay Angara, “Walang bata ang uunlad kung araw-araw siyang takot pumasok sa klase. Kaya itong polisiya ay hindi lang para sa disiplina, kundi para sa kalidad ng edukasyon.”

Nakapaloob sa binagong IRR ang pagkakaroon ng Learner Formation Officer, isang staff member na nakatalaga sa bawat paaralan na magsisilbing first responder sa reklamo ng bullying.

Inatasan din ang lahat ng paaralan pribado man o pampubliko na isama sa student handbooks ang anti-bullying procedures at agad na i-post ang naturang alituntunin sa buong campus.

Matatandaang sinabi ni PBBM sa kaniyang 2025 SONA na dapat unahin ang mental well-being ng mga batang Pilipino na biktima ng pambu-bully.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog