Dead on the spot ang isang lalaki matapos mahulog sa stadium ng isang concert sa Wembley Stadium sa London.
Ayon sa spokesperson ng London Metropolitan Police, ang lalaking biktima na may edad 40-anyos ay dumalo ng isang concert ng Oasis nang ito ay nahulog mula sa upper tier.
Dagdag pa rito, sinabi ng mga pulis na dahil nasa kasagsagan ng concert nangyari ang aksidente ay naniniwala silang iilan lang ang nakapansin rito.
Samantala, labis naman ang pagkalungkot ng Oasis sa nangyari at nagpaabot ng kanilang pakikidalamhati sa naturang lalaki.
0 Comments