Dismayado ang
isang netizen nang madatnan nitong puro napkin at diaper ang binili nitong
mattress sa halip na foam.
Sa post, ibinahagi
ni Michelle Abuzo Oliveros ang naging karanasan nito sa nabiling mattress dahil
sa pag-aakalang ito’y gawa sa totoong foam.
Ngunit, nang tinanggal
nito ang sapin ng foam ay tumambad sa kaniya ang mga dinikit dikit na mga
napkin at diaper.
“Shout out sa
nagbenta ng kama namin, sana ma-karma kayo! Next time mag-ingat na tayo sa mga
nagbebenta ng kama!,” panawagan nito sa seller na kaniyang binilhan ng mattress.
Umaasa naman
si Oliveros na makakuha siya ng refund at maparusahan ang seller na nang-scam
sa kaniya.
Samantala, ang
naturang karanasan ay isang paalala sa lahat na maging maingat at suriing
mabuti ang mga bagay na bibilhin.
0 Comments