Mariing
itinanggi ng nag-viral na singer na Elias J TV ang pagkaka-link nito sa
kaniyang manager na si Beverly Labadlabad.
Ito’y kasunod
ng pakikipagsagutan sa publiko ng live-in partner nitong si Abegail Cariquitan.
Noong May 11,
inamin ni Abegail na wala si Elias sa mismo nitong kaarawan at sa selebrasyon
ng Mother’s Day dahil sa dumalo ito sa graduation ng kaniyang manager.
Aniya, sinabi
sa kaniya ni Elias na binayaran siya upang magkaroon ng appearance ngunit labis
itong nasaktan nang makita video ng event.
“I cried so
much that day. He said he was paid to appear, so I kept quiet for peace. But
that video was a slap in the face. I’ve swallowed my pride so many times, but
this is too much. I’m tired of being disrespected,” saad nito sa isang post.
Sumagot naman
si Beverly, “A wife has a marriage certificate. You’re just his live-in
partner. You get jealous over things you don’t understand in the entertainment
industry. I don’t owe you anything.”
Maging ang
dating manager ni Elias ay sumali na din sa ingay kung saan sinabi nitong
parang sumobra na professional ang ugnayan ng dalawa.
Nitong Lunes,
pormal na ipinahayag ni Elias na walang katotohanan ang mga alegasyon na may
namamagitan sa kanila ng manager nitong si Beverly at nananatiling tapat sa
partner nitong si Abegail.
“Since the
start of building my career, Abby has always been by my side, even during the
times when we had nothing,” Elias said in Bisaya. “We dreamed together, and it
will never happen that I alone will enjoy whatever we’ve achieved now.”
“All I’ve
ever dreamed of is to have a stable life with my family—together with Abegail
and [our child] Apollo.”
“To clarify things—what you’re thinking about
me and Ma’am Beverly is wrong. What we have is purely work and nothing else,”
dagdag pa nito.
Hinikayat pa
ni Elias ang mga followers nito na itigil na ang pagpapakalat ng mga
kontrobersyang walang katotohanan dahil nasasaktan na ang pamilya nito.
“So
please, let’s stop spreading those kinds of issues. Thank you so much to all of
you, and take care always.”
0 Comments