Nauwi sa
pamamaril ang road rage sa Tanay nitong Linggo kung saan dalawa ang sugatan.
Nag-umpisa
ang insidente nang bigla umanong nag-overtake ang isang kotse sa kanang bahagi
ng isang pick-up truck.
Bago ito,
nagkagitgitan pa ang dalawang sasakyan kung saan nagpupumilit na mag-overtake
ang kotse na minamaneho ng 71-anyos na lolo.
Sa
pag-overtake ng kotse, tinamaan nito ang side mirror ng pick-up truck.
Dito na umusbong
ang galit sa drayber ng kotse kung kaya’t iniharang nito ang sasakyan sa harap
ng pick-up at sinugod ang drayber.
Matapos
magtalo ang dalawang drayber, bumalik ang 71-anyos na lolo sa kaniyang kotse at
pagbalik sa drayber ng pick up ay armado na ito ng baril.
Makailang
ulit itong nagpaputok at binaril pa nito ang pasahero sa passenger side.
Malubha ang
tinamong tama ng drayber ng pick up sa iba't ibang parte ng katawan nito habang
sa paa naman tinamaan ang lalaking nakaupo sa pasaherong bahagi ng pick up.
Hindi naman
tinamaan ang tatlong babae na lulan ng pick up.
Matapos ang
pamamaril, tumakas ang suspek ngunit naaresto naman ito at narekober sa kaniya
ang isang cal. 40 na baril, mga bala, at dalawang patalim sa loob ng kotse
nito.
Nadiskubre
rin na expired na ang lisensya ng baril ng suspek na residente ng Taguig City.
Samantala,
muling paalala ng mga awtoridad sa mga motorista na pairalin ang pagiging
kalmado sa kalsada upang maiwasan ang kaparehong insidente.
0 Comments