Inatake ng
mga armadong indibidwal ang isang cargo vessel na naglalayag sa Red Sea nitong
Lunes.
Ayon sa maritime
authorities at sa ship manager, Cosmoship Management, ang naturang barko ay isang
bulk carrier na pinamamahalaan ng isang kumpanyang Griyego at may bandilang
Liberia—ang Eternity C.
Sakay ng
nasabing barko ang nasa 22 crew members kung saan 21 rito ang mga Pilipino.
Nangyari ang
pag-atake sa 50 nautical miles southwest ng port ng Hodeidah kung saan gumamit
ang mga salarin ng sea drones at apat na mabibilis na bangka.
Sakay ng nasabing
mga bangka ang mga armadong indibidwal at naglunsad ng humigit-kumulang apat na
rocket-propelled grenades na tumama sa tulay ng barko at nasira ang sistema ng
komunikasyon.
Bagama’t
mayroong sakay na tatlong armadong guwardiya ang nasabing barko nang mangyari
ang insidente, ngunit hindi nito napigilan ang malawakang pinsala.
Mula sa
nangyaring pag-atake ay dalawang tripulante ang naiulat na sugatan habang
dalawa ang nawawala.
Nangyari ang
naturang insidente kasunod ng pag-ako ng Houthi rebels na may kinalaman ito sa pananabotahe
sa isang Greek-owned Magic Seas na umano’y lumubog na.
Gayunpaman,
hindi pa ito napapatunayan pero ligtas namang nakarating sa Djibouti ang lahat
ng 19 na Filipino crew members at ang isang armadong guwardiya.
Samantala, paalala
naman sa mga Pilipino seafarers na ibayong pag-iingat sa pagdaan sa Red Sea,
sumunod sa mga direktiba ng kanilang shipmasters at security officers.
0 Comments