TRENDING RED UNCLE SCANDAL, BINULABOG ANG MUNDO

 


[TRIGGER WARNING: SENSITIVE CONTENT - MENTION SEXUAL CONTEN]

Binulabog ng nag-viral na 38-anyos na Red Aunt ng Nanjing City sa China ang buong mundo nang matuklasan na ito’y Red Uncle pala.

Si Red Uncle o Sister Hong Jiao ay nagkunwaring misis sa dating apps kung saan maraming mga kalalakihan ang nahumaling sa kaniya na nagpapantasyang makatalik ang asawa ng iba.

Ang offer ni Sister Hong ay libreng sexual services. Walang bayad, basta may munting regalo, halimbawa’y mantika, prutas, gatas, o maliit na appliance.

Kabilang sa mga biktima ni Red Uncle ay college students, yuppies, gym attendants, at mga banyaga.

Sa loob ng mahigit tatlong taon, nakaipon si Red Uncle ng nasa 1,691 na mga kalalakihang nakatalik na ikinagulat ng mga kapulisan.

Mababasa sa mga pahayag na kinukunan pa ng video ni Red Uncle ang bawat pagtatalik nito na kaniyang pinagkakakitaan.

Mayroon pa itong online group kung saan 150-yuan (US$21) ang membership fee. Ngunit, ni-repost ng mga miyembro ang video clips sa ibang platforms kaya ito kumalat.

Noong Hulyo 6, nearesto si Red Uncle a.k.a Sister Hong.

Samantala, nitong Hulyo 8 ay pinagpistahan na si Red Uncle sa social media na Weibo na umabot na sa mahigit 200 milyon views.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog