KATHRYN BERNARDO, INAKUSAHANG THIRD PARTY SA RELASYON NINA MAYOR MARK AT MIKA REYES

 



Inakusahan na third party ang aktres na si Kathryn Bernardo sa relasyon nina Lucena City Mayor Mark Alcala at volleyball player na si Mika Reyes.

Ito’y matapos na usap-usapan sa social media na si Kathryn ay kasalukuyang nali-link sa alkalde at umano’y naispatan silang magkasamang nagbabakasyon sa Australia.

Nagpahayag naman ng mga negatibong komento ang mga tagahanga ng aktres kaugnay nito maging ang alkalde ay pinuna din at ang magiging reputasyon nito.

Ngunit, sa kabila nito, nagpahayag ang isang avid fan ni Kathryn ng kaniyang patuloy na suporta sa aktres sa kung anuman ang gagawin nitong desisyon sa buhay.

Gayunpaman, napatunayan sa isang post ng isa sa mga fans ni Kathryn na may pangalang “Naibara Lopez” na si Mark Alcala ay nagsimulang manligaw sa aktres noong Hunyo 2024.



Ipinunto naman ng isang netizen na noong Mayo 2024, sina Mayor Mark at Mika Reyes ay spotted na nagde-date at magkarelasyon pa hanggang Hulyo 2024.

Kung kaya’t napagtanto ng mga netizens na mayroong nangyaring overlap dahilan na inakusahan nilang si Kathryn ang dahilan ng hiwalayan nina Mark at Mika.


Subalit wala pang pormal na kumpirmasyon ang dalawa ukol rito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog