Umani ng positibong
reaksyon mula sa netizens ang batang doktor sa Taguig City dahil sa abot-kayang
konsultasyon nito sa isang komunidad kung saan mahirap i-access ang medical
care.
Si Dr. Russel
Nacog-ang Guadilla, isang bagong lisensyadong physician ay sumisingil lamang ng
P350 sa bawat konsultasyon at P300 para sa mga persons with disabilities (PWDs),
estudyante, at senior citizen sa kanilang klinika sa West Rembo.
Sa kaniyang
viral TikTok post, sinabi nitong 27-taon na itong nag-aaral at siya din ang
kauna-unahang doktor sa pamilya na lisensyado ngunit walang ipon.
“Hindi ko
naman yata ikamamatay magbukas ng clinic ng P350 (P300 sa PWD, student, senior)
per consult,” anito.
Ayon kay
Guadilla, napansin nitong kulang sa mga clinic ang mga komunidad na nakapaligid
sa Bonifacio Global City (BGC), kabilang na ang West Rembo, kung saan ito
nakatira.
Bagama’t
kakabukas lamang ng barangay health center, hindi pa rin nito kakayanin na ma-accommodate
lahat.
“So where do
minimum wage earners go when they need doctor but can’t afford hospitals or
can’t wait hours in line sa health center?” tanong nito. “I opened a small
outpatient clinic not for competition or profit, but to offer a reachable
option for our neighbors.”
Sinabi pa ni
Guadilla na ang kaniyang inaalok na mababang consultation fee ay hindi lang
isang symbolic gesture kundi sumasalamin ito ng kaniyang personal journey at
values.
“It makes you
feel that being a doctor is not just a job, it’s a calling,” saad ni Guadilla.
0 Comments