RELASYON NINA ELISSE JOSON AT McCOY DE LEON, KUMPIRMADONG TINAPOS NA

 



Tuluyan nang tinapos nina Elisse Joson at McCoy de Leon ang kanilang relasyon matapos ang limang taong pagsasama.

Sa isang Intagram post, inanunsyo ng dalawa ang kanilang final decision.

Kung saan, naunang sinabi ni Elisse na pangarap nitong makabuo ng sariling pamilya ngunit tila panahon na para pakawalan ang naturang pangarap.


"My biggest dream in life has always been to build a family I could call mine,” saad ni Elisse.

"A home. That dream shaped me. It grounded me.

"And for all the beautiful five years (and more) that we were together, I held onto that dream with everything I had. I kept that promise..to love, to fight, to stay.

"That promise was what kept me going."

"But now, we're learning to let go.

"Letting go of that dream… so we can finally allow a new kind of peace, growth, and healing to enter."

Bagama’t hindi nabanggit ang dahilan sa kanilang paghihiwalay ay humihiling na lamang ang dalawa ng respeto at pag-unawa mula sa kanilang mga tagahanga.

"Thank you for holding space for our story.

"This is us, stepping into a new chapter with love, respect, and no regrets.

Maraming netizens naman ang nalungkot sa anunsyo ng dalawang Kapamilya star.

Matatandaang unang nagkasama sina Elisse at McCoy bilang mga housemates sa Pinoy Big Brother Lucky 7 noong 2017. Magmula noon, nabuo ang tambalang McLisse.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog