NETIZENS, TINAWAG NA "DISRESPECTFUL" ANG GINAWA NG ISANG LALAKING CONTESTANT SA TRANS CONTENT CREATOR


 

Maraming netizens ang hindi natuwa sa ginawa ng isang lalaking contestant na kasali sa isang pageant sa transwoman na content creator na si Miss Catering.

Nangyari ang insidente sa pagdiriwang ng kapistahan sa isang bayan sa Southern Leyte kung saan mayroong stage performance si Miss Catering.

Sa nag-viral na video, nakilala ang lalaki na si Andrie Nunez na siyang humahawak sa buhok ni Miss Catering at tila paulit-ulit na hinihila papalapit sa kaniya.

Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa din ni Miss Catering ang kaniyang performance.

Agad namang umani ng batikos sa social media ang naturang insidente kung saan tinawag itong “disrespectful” at “painful to watch”.

“Ang bastos naman buti Ms. Catering handled it with grace,” komento ng isang netizen.

“She didn’t deserve that. Nobody does,” dagdag pa ng isa.

“Ramdam niya yung sakit. Napaka-bastos talaga,” saad pa ng isa.

Dahil sa nangyari, nagpahayag ng public apology si Nunez sa social media.

“I let my excitement get the best of me,” aniya. “Please know that it was never my intention to make anyone feel uncomfortable or disrespected.”

Samantala, wala pang pahayag kaugnay sa insidente si Miss Catering.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog