PBBM, SINABING NEW NORMAL NA ANG NARARANASANG KALAMIDAD SA BANSA

 


“THIS IS THE NEW NORMAL.” – PBBM

Tila ikinukunsiderang normal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangyayaring baha sa ilang mga lugar sa bansa kasunod ng patuloy na pagbuhos ng ulan na dala ng mga bagyo at Habagat.

Sa isang situational briefing kasama ang mga opisyal ng gobyerno, sinabi ni Marcos na hindi na dapat tingnang “extraordinary situation” ang mga nangyayaring pagbaha sa bansa.

“Do not think of it as a special situation, this is... I hate to use the overused phrase but this is the new normal. Ganito na talaga ang buhay natin kahit ano pa ang gawin natin,” saad ng Pangulo.

Dagdag pa nito na dapat pagtuunan ng pansin ng mga tao ang pagpaplano sa pag-adjust ng kanilang lifestyle dahil ang mga bagyo at malakas na pag-ulan ay hindi na maiiwasan.

Kamakailan, ilang mga lugar sa bansa ang nalubog sa baha dahil sa mga bagyong Crising, Dante, at Emong na sinamahan pa ng Habagat.

Kung kaya’t nitong Huwebes, 40 mga lungsod at munisipalidad ang nagdeklara ng “state of calamity” kung saan ipinatupad ang pagsuspendi ng klase at mga trabaho sa gobyerno.

Sa kabila nito, bumwelta naman si Kabataan Rep. Renee Coo sa naging pahayag ng pangulo.

"Criminal negligence will never be a new normal. Man-made disasters have man-made solutions, 'di lang ginagawa ni Marcos Jr. kasi inuuna niya ang kita kaysa ang taumbayan," ayon kay Co.

Dagdag pa niya, hindi dapat nape-pressure na maghabol ng klase ang mga estudyante kung ang gobyerno umano ang may kapalpakan sa sakuna.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog