NURSE AT LDRRMO RESPONDER, NAMATAY SA GITNA NG RESCUE OPERATION SA NUEVA ECIJA

 


Binigyang-papuri ng mga netizens ang ginawang kabayanihan ng isang frontliner sa San Jose City, Nueva Ecija.

Si Alvin Jalasan Velasco ay isang nurse, ambulance driver, at miyembro ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).

Siya ay taga-Aurora, Zamboanga del Sur ngunit lumipat sa San Jose, Nueva Ecija matapos makapag-asawa.

Ayon sa pahayag ng mga kasamahan ni Alvin, sa gitna ng isang rescue operation si Alvin nang mangyari ang insidente. Kung saan, sinusubukan nitong iligtas ang isang indibidwal na pilit tinatangay ng malakas na agos ng tubig-baha hanggang siya na ang nadala ng agos.

Sinubukan pa siyang i-rescue ng mga kasama ngunit hindi na siya naabot pa at kalaunan ay nawala siya sa ilalim ng tubig.

Marami naman ang nagdalamhati sa pagkawala ni Alvin maging ang naiwang pamilya nito.

Subalit, sa kabila ng nangyari ay hinangaan ng karamihan ang naging katapangan at sakripisyo nito na sumasalamin sa kaniyang pagiging totoong nurse at public servant.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog