Isinusulong
ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang isang panukalang-batas na nagnanais na
panagutin ang mga anak na inabandona ang kanilang mga magulang na may edad, may
karamdaman o walang kakayahan sa buhay.
Sa isang
media release, inihain ni Lacson ang isang panukalang batas na “Parents Welfare
Act of 2025” na naglalayong palakasin ang “Filipino value of filial
responsibility” at tiyakin na walang magulang na may edad ang maiiwan.
“We,
Filipinos, are well-known for our close family ties. However, there are cases
of elderly, sick, and incapacitated parents who were abandoned by their own
children,” ayon kay Lacson.
Idiniin pa ni
Lacson na bagama’t mayroong umiiral na Family Code na nag-uutos na suportahan
ang mga magulang, ang pagpapatupad aniya nito ay nananatiling mahina.
Sa ilalim ng nasabing
panukalang-batas, maaaring maghain ng petisyon para sa suporta ang mga magulang
sa korte. Magiging katuwang nila ang Public Attorney’s Office na walang nire-require
na court fees.
Kapag ang
support order ay naisyu at bigo pa ding mag-comply ang anak ng walang sapat na
dahilan ay nakatakda siyang pagmumultahin ng korte ng P100,000 o makukulong ng
isa hanggang anim na buwan.
Habang, ang
anak na napatunayang iniwan ang isang magulang na nasa ilalim ng kanilang
pangangalaga ay mahaharap ng hanggang 10 taon sa bilangguan at ₱300,000 na
multa.
Samantala,
ipinag-uutos din sa naturang batas ang paglikha ng “Old Age Homes” sa bawat
probinsya at mga lungsod para sa mga magulang na may edad na walang kakayahan o
pamilyang mag-aalaga sa kanila.
0 Comments