Nasakote ang
tatlong mga suspek matapos pasukin at nakawan ang isang eskwelahan sa Brgy. Antipolo
sa Medellin Cebu.
Sinasabing
nakuha ng mga suspek ang ilang pera, iba’t ibang mga item, at ang armas ng
security guard na 9 mm pistol.
Sa pamamagitan ng isinagawang “drone-aided hot pursuit operation” ay agad na naaresto ang mga suspek.
Habang, nakatakas
naman ang ikaapat na suspek.
Narekober din
sa tatlong mga suspek ang tatlong baril kabilang na ang 9 mm na ninakaw mula sa
security guard.
Samantala, pinuri
naman ni Police Brigadier General Redrico Maranan, PRO-7 director, ang agarang
aksyon ng kapulisan ng Medellin police kung saan naging highlight ang paggamit
ng modernong teknolohiya.
0 Comments