PINAY CAREGIVER NA BIKTIMA NG MISSILE STRIKE SA ISRAEL, PUMANAW NA


 

Nagdadalamhati ngayon ang komunidad ng overseas Filipino workers (OFWs) sa pagpanaw ng isang Pinay na caregiver na si Leah Mosquerra nitong Hulyo 13.

Kinumpirma ito ng kaniyang babaeng kapatid na isa ring OFW sa Israel.

Si Leah ay isa sa mga biktima ng pagtama ng missile strike sa Israel at nasa kritikal na kondisyon nang tumama ang missile sa tinutuluyan nitong apartment sa Rehovot, Israel.

Kaugnay nito, nagpaaabot naman ng kanilang pakikiramay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya, mga kaibigan, at kapwa OFW ni Mosquera.

Maging ang Embahada ng Israel sa Pilipinas ay nagpaabot din ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Mosquera.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog