P164.7-M NG SHABU, NASABAT SA LUGGAGE NG ISANG BABAENG CANADIAN

 


Arestado ang isang babaeng Canadian matapos mahulihan ng nasa P164.7 milyong halaga ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa pahayag, ang suspek ay kinilala kay alyas “Grace”, 66-anyos at dumating mula sa Toronto, Canada via Hong Kong.

Nadiskubre ang mga ilegal na droga sa tatlong malalaking luggage ni Grace at tinatayang sa 24,231 grams ang bigat nito.

Dahil dito, nahaharap sa mga kasong Importation of Dangerous Drugs under Section 4, Article II of Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog