60-ANYOS NA LALAKI, ARESTADO MATAPOS ITINAGO ANG BANGKAY NG KANIYANG INA



Sa halip na ilibing ay mas piniling itago ni Takehisa Miyawaki, 60-anyos, na itago ang pagkamatay ng kaniyang 90-anyos na ina.

Ayon sa ulat, mayroong “social phobia” si Miyawaki kung kaya’t napagdesisyunan nitong hindi ipaalam sa mga awtoridad ang nangyari sa kaniyang ina.

“About 10 years ago, my mother was found not breathing in the toilet. Her body had turned cold. She did not respond to any prompting,” ani Miyawaki. “As an ordinary person, I knew that my mother had passed away."

Nalaman na lamang ito nang mapansin ng isang kawani ng gobyerno na tila paika-ika kung maglakad si Miyawaki.

Nang tanungin tungkol sa kaniyang ina ay tumanggi itong magsalita.

Dito na nagduda ang opisyal dahilan na ini-refer niya ito sa pulisya at dito na nadiskubre na puno ng mga basura ang apartment at natagpuan ang isang kalansay sa loob ng banyo.

Nang isailalim sa DNA test, nakumpirma na ang nasabing kalansay ay sa nanay ni Miyawaki.

Dahil dito, nahaharap sa kasong abandonment of a corpse.

Kung saan, batay sa Article 190A ng Penal Code ng Japan, sinumang mapatunayang "damages, abandons, or unlawfully possesses a corpse, the ashes or hair of a dead person, or an object placed in a coffin" ay maaaring makulong nang hanggang tatlong taon.

Sa ngayon ay walang natagpuang ebidensiya na pinatay ang biktima kung kaya’t patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog