Nasakote ng pulisya ang isang Grade 10 student na naaresto sa isang buy-bust operation sa bayan ng Inabanga, Bohol.
Ang suspek na isang 22-anyos at Grade 10 student ay itinuturing na high-value individual (HVI) ng mga awtoridad sa naturang lugar.
Nahulihan ang suspek ng isang kilo ng hinihinalang methamphetamine hydrochloride o “shabu,” na aabot sa P6.8-milyon ang halaga.
Ayon sa mga pulis, ang suspek ay naglalako ng mga droga sa Inabanga at mga kalapit na bayan kung kaya’t naitala siyang high-value target sa rehiyon.
Samantala, sinabi ni BPPO director Col. Arnel Banzon na ang matagumpay na operasyon ay isang malinaw na mensahe para sa mga indibidwal na sangkot sa illegal drug trade sa nasabing probinsya.
0 Comments