NAWAWALANG TURISTA NG CRUISE SHIP, NATAGPUANG PATAY SA ALASKA

 


Patay na nang natagpuan ang isang turistang bigong makabalik sa kaniyang cruise ship nitong nakaraang linggo.

Kinilala ang biktima kay Marites Buenafe, 62-anyos at taga-Kentucky.

Bumisita si Buenafe sa kabisera ng Alaska ng hindi na ito nakabalik mula sa paglalakad.

Ayon sa Alaska Department of Public Safety, natagpuan ang bangkay ni Buenafe ng isang crew ng Alaska Army National Guard helicopter nitong Huwebes sa ilalaim ng ridge line ng Gold Ridge.

Sinabi ng mga kamag-anak ni Buenafe na umalis ito para mag-hike at may planong umakyat sa sikat na tourist tram na bahagyang paakyat ng bundok kung saan matatanaw ang downtown Juneau bago bago maglakad patungo sa Gastineau Peak at Gold Ridge.

Bumaba si Buenafe mula sa Norwegian Bliss ngunit hindi muling nakabalik nang oras na ng departure.

Samantala, si Buenafe ay nailista bilang doktor sa UK Healthcare, isang sistema ng mga ospital at klinika sa University of Kentucky.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog