19-ANYOS NA DALAGITA, SINAKSAK-PATAY NG 38 BESES; MENOR DE EDAD NA MGA SUSPEK, ARESTADO

 


Kalunos-lunos ang sinapit ng isang 19-anyos na dalagita matapos itong brutal na pinatay sa loob mismo ng kaniyang kwarto.

Kinilala ang biktima na si Sophia Marie G. Coquilla, 19-anyos at papasok sana bilang freshman sa University of the Philippines (UP).

Sa ulat, natutulog ang biktima sa kaniyang kuwarto nang maalimpungatan ito sa dalawang mga suspek na nakapasok sa kaniyang silid sa Brgy. La Filipina, Tagum City.



Nataranta ang mga suspek kung kaya’t sinaksak nila ang biktima ng 38 beses hanggang sa malagutan ng hininga.

Ayon sa report ng Davao del Norte Police Provincial Office, pagnanakaw ang naging motibo ng mga suspek na pawang mga menor de edad. Kung saan, naiulat na kinuha ng mga ito ang laptop, cellphone, relo, at tablet ng biktima.



Narekober din sa crime scene ang ilang mga gamit na posibleng ginamit ng mga suspek sa pagpatay sa biktima na kinabibilangan ng Grass cutter, bowl, dumbbell at panyo.



Agad namang nahuli ang mga suspek na nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang ang bangkay ng biktima ay nasa punerarya sa nasabing lungsod.



Post a Comment

0 Comments

Search This Blog