KRIS AQUINO, BUMIBIGAT NA

 


Ibinahagi sa isang social media post ang unti-unting progreso sa kalusugan ng “Queen of All Media” na si Kris Aquino sa kabila ng pagkakaroon ng ilang autoimmune diseases.

Sa post, mapapansin ang pagbabago sa katawan ng aktres kung saan tumitimbang na ito ng 106 lbs, ang pinakamabigat nitong timbang magmula noong ito’y umuwi ng Pilipinas.

Kaugnay nito, makikita ding naging katuwang nito ang bunsong anak na si Bimby na inaalalayan siyang makabangon mula sa kaniyang higaan.

“SHE IS NOW HEAVY!” saad sa caption ni online host Loi Villarama.

“Finally, since she arrived in the Philippines, Ms. Kris Aquino‘s weight is now 3 digits! She now weighs 106 lbs!” dagdag pa nito.

Ayon kay Villarama, palagi itong bumibisita sa aktres at nakikita nito ang palaging pagkain ng aktres ng maraming prutas, banana spring rolls, gatas na may ice cream, at chocolates, na nakatulong sa pagtaas ng timbang nito.

Matatandaan na si Kris ay na-diagnosed ng siyam na autoimmune diseases at bumalik ng Pilipinas noong 2024 matapos ang mahigit dalawang taong gamutan sa US.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog