Sa halip na kapwa
tao ang mapapangasawa nito, itinali ng isang mayor sa Mexico ang sarili nito sa
isang babaeng buwaya.
Kinasal si
Victor Hugo Sosa sa isang caiman reptile na pinangalanang “Alicia Adriana” at
sumailalim sila sa isang tradisyunal na seremonya.
Tinawag ding “princess
girl” ang naturang hayop na pinaniniwalaang magbibigay ng magandang kapalaran
sa nasasakupan ni Sosa.
Nang rumampa ang
alkalde hawak ang papakasalang buwaya, pinalakpakan at sinayawan sila ng mga residente
sa San Pedro Huamelula.
"I
accept responsibility because we love each other. That is what is important,”
sabi ng alkadle sa gitna ng isinagawang ritwal.
"You
can't have a marriage without love... I yield to marriage with the princess
girl," dagdag pa nito.
Nakunan din
ng larawan ang paghalik ni Sosa sa ulo ng buwaya.
Ang pagpapakasal ng lalaki sa babaeng caiman ay ginanap sa kaparehong lugar sa loob ng 230-taon upang gunitain ang kapayapaan sa pagitan ng mga katutubong grupo ng Chontal at Huave.
Nabatid na
ang mga caiman ay naninirahan sa mga latian at endemic sa Mexico at gitnang
Amerika.
0 Comments